Naka-concentrate ngayon ang Philippine National Police na mahanap ang entrance ng umano’y underground facility sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City.
Naniniwala si PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo na malapit na nilang matunton ang secret entrance at lagusan dito matapos ma-detect ng ground- penetrating radar na mayroong sign of life sa ilalim ng partikular na lugar sa compound.
Sinabi ni Fajardo, 20 hanggang 30 meters mula sa ground na-detect na sign of life rito
Kahapon pa lamang ay ramdam na ng PNP ang resistance ng mga miyemrbo ng KOJC dahil patuloy silang pinapaalis sila sa lugar kung saan sila tumutututok sa paghahanap kay Apollo Quiboloy at mga kapwa akusado nito.
Sa ngayon nagpapatuloy ang paghahanap kay Quiboloy sa bawat sulok ng napakalawak ng 30 hectare na compound.