PRISAA 2024, nagtapos na; Sen. Bong Go, dumalo sa closing ceremony kagabi

LEGAZPI CITY – Nagtapos na kahapon ang lahat ng mga sports event sa National Private Schools Athletic Association 2024 sa lungsod ng Legazpi at isinagawa naman ang closing ceremony kagabi na pinangunahan ni Edgar Balasta, National President ng PRISAA Region V, Elbert Atilano Sr., National Executive Director at Mayor Geraldine Rosal, kung saan dumalo rin bilang panauhing pandangal si Senator Christopher “Bong” Go, Chairman ng Senate Sports on Committee at Committee on Youth.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Mensahe ni Go sa mga manlalaro, mag-aral nang mabuti at maaari naman umanong pagsabayin ang pagiging atheleta at ang pag-aaral upang balang-araw ay makapagsilbi sa bayan.

Suportado ni Go ang mga nag-oorganisa ng mga palaro lalo na pagdating sa basketball dahil makakatulong ito upang mailayo ang mga kabataan sa bisyo lalo na sa paggamit ng iligal na droga.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa pagtatapos ng palaro, napanatili at namayagpag ang Bicol Region sa Youth Division, kung saan nakuha nito ang Rank 1 sa medal tally. Samantala, ang susunod naman na magiging venue ng PRISAA 2025 ay sa Tuguegarao City, Isabela.