Sundalo na nasawi sa pag atake ng BIFF sa Maguindanao, naiuwi na

Tiniyak ngayon ni 5th Infantry Division Commander Maj. Gen. Gulliver Señires na maibibigay lahat ng kaukulang benepisyo sa pamilya ng nasawing sundalo sa nangyaring pag-atake sa kanilang checkpoint noong July 22, 2024 sa bayan ng Datu Salibo, Maguindanao del Sur.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa harap ng mga magulang ni Pvt. Rosendo Gannaban matapos na maiuwi kahapon sa kanilang lugar sa bayan ng Enrile sa Cagayan ang mga labi nito.

Si Gannaban ay kasapi ng Startrooper mula sa 99th Infantry “Makabayan” Battalion (99IB) na nakabase sa bayan ng Datu Salibo na noon ay nagsasagawa lamang ng checkpoint ng paulanan ng bala ng mga pinaniniwalaang BIFF.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa ngayon nagpaabot ng pakikiramay si General Señires sa mga inulilang pamilya ng nasawing sundalo. (Jom Dimapalao)