Patuloy na hinihikayat ng Primewater ang mga kunsomidores para sa QR code registration bilang bahagi na rin ng paperless transaction ng kumpanya.
Kinakailangan lang na mag update ng contact details gamit ang QR code at pwede pang manalo ng mga papremyo.
Inihayag din ni Branch Manager Mark Anthony Muroda na maaaring maka-avail ng rebates o refund ang mga magre- register.
Makaka- acces na rin umano ang mga kunsomidores ng online billing para masigurong makukuha nila ang kanilang resibo.
Sa pamamagitan din nito ay madali nang makakapagpa abot ng mga impormasyon sa mga kunsomidores sa kanilang contact information kapag may mga on- going programs.
Mababatid na pinalalakas ngayon ng kumpanya ang kanilang online platform lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Ito ay upang maiwasan ang pag- iipon- ipon ng mga tao na maaaring maging dahilan pa ng pagkalat ng sakit.

