Bishop Alarcon ng Daet kabilang sa limang Bicolano Bishops na nahalal sa CBCP permanent Council

CAMARINES NORTE- Nahalal ang limang bikolanong Obispo sa permanent Council ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa katatapos lang na dalawang araw na online plenary assembly.

Kabilang dito si Bishop Rex Andrew Alarcon ng Daet na sa ikalawang pagkakataon ay nahalal bilang Chairman ng Episcopal Commission on Youth.

Ang dating Obispo ng Daet na pinalitan ni Alarcon na si Lipa Archbishop Gilbert Garcera ay nahalal namang Regional Representative for Luzon- Southeast.

Si Bishop Jose Bantolo ng Masbate ay nahalal namang Regional Representative for Luzon- South at Chairman ng Episcopal Commission on Culture.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ang dalawa pang Obispo mula sa Bicol na nahalal bilang head ng CBCP Episcopal Commission ay sina Bishop Jose Rojas Jr ng Libmanan bilang Chairman ng Commission on Doctrine of the Faith at si Bishop Joel Baylon ng Legazpi na siyang Chairman ng Commission on Prison Pastoral Care.

Ang term ng mga bagong halal at reelected chairmen CBCP Episcopal Commissions, Committees  and Offices ay magsisimula sa December 1, 2021 hanggang November 30, 2023.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Sa naturang plenary assembly ay inihalal na bagong Pangulo ng CBCP ang kilalang kritiko ng administrasyong Duterte lalo na ang “war on drugs” na si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na outgoing Vice President.

Papalitan niya si Davao Archbishop Romulo Valles na nagsilbi bilang Pangulo ng dalawang termino.