Mga nabakunahan sa Camarines Norte nasa 22, 360 pa lang

CAMARINES NORTE- Umaabot pa lang sa 22, 360 ang nababakunahan sa lalawigan ng Camarines Norte mula nang magsimula ang pagbabakuna noong Marso.

Batay ito sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang July 7, 2021.

Kaya naman sinabi ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na panahon na upang bigyan na rin ng pansin ang lalawigan sa alokasyon ng bakuna  dahil dumarami na rin ang mga naitatalang kaso dito.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Aniya, marami pa ang hindi nababakunahan lalo na sa barangay dahil nga sa kakapusan ng suplay ng bakuna kung saan kakaunti sa ngayon ang mga dumarating.

Mababatid na nagsimula nang magbakuna sa A4 o ang frontline personnel in essential sectors sa ibang lalawigan sa rehiyon tulad ng Camarines Sur at Albay pero dito sa Camarines Norte ay hanggang A3 pa lang.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa ngayon ay sumampa na sa 1, 055 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan kung saan 407 dito ay aktibong kaso.