Price monitoring sa mga pangunahing bilihin sa Quirino, nagpapatuloy

Pinaigting ng Department of Trade and Industry sa lalawigan ng Quirino ang kanilang price monitoring sa mga munisipalidad ng Diffun, Cabarroguis,Saguday,Aglipay at Maddela upang matiyak na protektado ang mga mamimili sa unfair trade practices.

Ayon kay Trade and Industry Development Specialist Dominic Salvador CPU head, layunin ng nasabing hakbang na matiyak na sapat ang mga Basic Necessities and Prime Commodities (BNPCs) at sumusunod ang mga establisyimento sa itinakdang Suggested Retail Price (SRP).

Base sa kanilang monitoring, walang pagbabago sa presyo ng semento at bakal.

Binibisita rin ng monitoring team ang mga pangunahing pamilihan upang mamonitor ang mga fast moving goods tulad ng sardinas, instant noodles, instant coffees, powdered milk, at processed canned meats na wala namang ipinagbago sa presyo.

Inaalam din kung may nakatalagang Consumer Welfare Desks na tutulong sa mga konsyumer na may reklamo.

Sinabi ni Salvador na tuloy tuloy ang kanilang gagawing monthly monitoring upang masiguro ang sapat na supply ng mga pangunahing bilihin at hinimok nito ang mga mamimili na dumulog sa kanilang tanggapan kung sila ay may reklamo kaugnay sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *