457 na atleta mula sa Cagayan, handa na sa CAVRAA 2024

Isinagawa kahapon, ika-22 ng Abril taong kasalukuyan ang send-off ceremony sa mga atletang pambato ng probinsya ng Cagayan para sa nalalapit na Cagayan Valley Regional Athletic Association o CAVRAA 2024 sa City of Ilagan, Isabela.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Magsisimula ang nasabing kompetisyon sa ika-26 ng Abril kung saan aabot sa 457 na atleta at 105 na coaches ang lalahok mula sa Cagayan.

Tiwala naman ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na sapat ang naging paghahanda ng mga atleta upang maiuwi ang posibleng ika-11 na pagiging overall champion.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Samantala, ibinahagi sa mga atleta ang kahalagahan ng disiplina, pagkakaisa, dedikasyon, at pagtutulungan upang maging matagumpay ang mga ito.