Price control sa fertilizer hiniling ng isang grupo, farm gate price pinatataasan din

Naniniwala ang grupong Bantay Bigas na masyado nang nalulugi ang mga magsasaka dahil sa mababang farm gate price ng palay subalit sobrang mahal naman ng abono at gasolina na ginagamit sa pagtatanim.

Ayon kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estabillo, sa ilang lugar tulad ng Mindoro ay nasa P13 hangang P15 lamang ang presyo ng palay habang ang bigas ay nabibili sa pinakamababang P38 kada kilo.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Dapat umanong paabutin man lang sa P20 kada kilo ang presyo ng palay upang hindi gaanong malugi ang mga magsasaka.

Iginiit din ni Estabillo na dapat magkaroon ng price control sa fertilizer at hangat maaari ay bilhin ng National Food Authority ang palay ng mga magsasaka sa mas mahal na presyo.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Pinuna din nito ang pamamahagi ng Department of Energy ng 5,000 pesos na cash aid sa mga farmers na isa lamang umanong band aid solution at nababalot pa ng katiwalian dahil maraming mga farmers ang hindi naman nakatanggap nang naturang ayuda.