SORSOGON CITY – Naglabas ng pahayag ang Department of Social Welfare and Development tungkol sa nakaambang pagtigil ng ilang serbisyo nito.
Ibibigay na sa Local Government Units (LGU’s) ang responsibilidad ng pagpapatupad sa mga programa at hahatiin ito sa tatlong bahagi.
Sa kasalukuyang taon, apat na serbisyo ang ililipat sa LGU, habang 2 sa susunod na taon at sa 2024 naman ang natitira pang dalawa.
Kasama sa mga serbisyong ito ang supplementary feeding, asistensya sa PWD’s, comprehensive program for street children, program for older persons, recovery and re-integration program for trafficked persons, pagbibigay ng asistensya sa mga taong nakararanas ng krisis, sustainable livelihood program, at ang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS).

Pangangasiwaan na ng lokal na pamahalaan ang mga nabanggit na serbisyo.
Kaugnay nito nanawagan naman ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga LGU’s na maghanda na para sa kanilang Devolution Transition Plans (DTP’s).