Presyo ng karneng baboy sa ilang pamilihan sa Metro Manila, pumalo na sa 420

Batay sa pinakahuling monitoring ng Department of Agriculture sa mga pamilihan sa Metro Manila, pumalo na sa 420 ang kada kilo ng retail price ng baboy kahit nananatiling stable ang farmgate price nito.

Ang retail price ng pork belly o liempo ngayon ay nasa P340 hanggang P420 kada kilo kumpara sa dating P400 kada kilo noong Mayo 20.

Dahil dito sinabi ni griculture Undersecretary for livestock Deogracias Victor Savellano na dapat nang magsagawa ng imbestigasyon ang mga kinauukulang ahensya para matukoy ang mga negosyanteng sangkot sa overpricing.

Samantala sa kabila ng pagdami ng mga lugar na apektado ng African swine fever, nananatili pa ring sapat ang suplay ng baboy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *