‘Magic 7’ kabilang na si dating SP Zubiri, pinag-iisipan ang paglipat sa minority bloc

Ibinahagi ni dating Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na isa sa mga kinokonsiderang option ng kanilang grupo ngayon ay ang paglipat sa Senate minority bloc.

Ito ay matapos ang biglaang pagpapalit ng liderato nitong nakaraang Lunes at pagbibitaw ng ilang miyembro pa ng ‘Magic 7’ sa kanilang pwesto.

Ang ‘Magic 7’ ay binubuo nina dating Senate President Migz Zubiri, Senadora Nancy Binay, Senadora Loren Legarda, Senador Win Gatchalian , Senador Sonny Angara, Senador Joel Villanueva at maging ni Ejercito.

Ani Ejercito, sila talaga nina Binay at Villanueva ang nakaisip nito dahil halos naman din ng kanilang panahon sa Senado ay iginugol nila noon sa minority bloc.

Samantala, naniniwala naman si Ejercito na may posibilidad na isang mataas na opisyal o indibidwal ang nag-impluwensya ng nakaraang pagbabago sa liderato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *