CAMARINES NORTE – Dagdag pasanin ang sumalubong sa mga motorista ngayong Marso kasunod ng panibago na namang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo epektibo simula nitong Martes.
Dahil dito naglalaro na sa P68. 95 hanggang P70. 94 ang kada litro ng gasolina habang ang diesel ay sumampa na rin sa hanggang mahigit P60 kada litro.
Sa Shell Mancruz P70. 94 ang kada litro ng V- Power gasoline, P69. 94 sa Fuel Save gasoline, P62. 99 sa V- Power diesel at P58. 99 sa Fuel save diesel.
Sa Seaoil P69. 45 sa Extreme 95, P68. 95 sa Extreme U at P59. 25 sa Exceed Diesel.
Nasa P58.00 naman ang presyo ng diesel sa Caltex, P68. 95 sa Silver at P69. 45 sa Platinum.
Ganito rin ang presyuhan sa Ptt gasoline station kung saan nasa P58.00 ang kanilang BlueDiesel, P68. 95 sa Blue Gasoline 93+ at P69. 45 sa Blue Gasoline 95+.
Sa Petron Centro P58.00 ang diesel max, P68. 95 sa Xtra advance at P69. 45 sa XCS plus.
Ito na ang ika- siyam na sunod na pagtaas ng mga produktong petrolyo simula ng pumasok ang 2022.
Ang panibagong oil price hike ay epekto ng pagmahal nito sa pandaigdigang merkado.
Inaasahang magtutuloy- tuloy pa ang pagtaas ng presyo sa petrolyo bunsod ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.
