Presyo ng diesel sa Camarines Norte sumampa na sa mahigit P60, gasolina naglalaro sa P64- 68 dahil sa panibago na namang oil price hike

CAMARINES NORTE- Dagdag pasakit naman ang sumalubong sa mga motorista ngayong linggo bunsod ng panibagong big-time oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis  epektibo kahapon, Enero 25, 2022.

Dahil dito naglalaro na ngayon sa P53 hanggang P61 ang presyo ng diesel sa lalawigan ng Camarines Norte at P64 hanggang P68 naman sa presyo ng gasolina.

Sa Shell Mancruz nasa P56. 80 ang presyo ng Fuel Save diesel,  P61. 24 sa V- Power diesel, P67. 83 sa Fuel Save gasoline at P68. 58 sa V- Power gasoline.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa Shell Mantagbac  P56. 80 sa Fuel Save diesel, P67. 83 sa Fuel Save gasoline at P68. 59 sa V- Power gasoline.

Sa Seaoil P54. 80 sa Exceed diesel, P64. 25 sa Extreme U gasoline at P64. 75 sa Extreme 95.

Sa katabi nitong Caltex P54. 80 sa diesel, P64. 25 sa Silver gasoline at P64. 75 sa Platinum.

Sa Ptt naman nasa P54. 80 sa BlueDiesel, P64. 25 sa Blue Gasoline 93+ at P64. 75 sa Blue Gasoline 95+.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Sa Petron Centro P53. 55 sa diesel max, P64. 25 sa Xtra Advance at P64. 75 sa XCS plus.

Walang namang pinagkaiba ang presyuhan sa gasolina at diesel sa Petron Pandan.

Ganito rin ang presyuhan sa katapat na Phoenix gasoline station kung saan P53. 55 sa diesel, P64. 25 sa Super unleaded at P64. 75 sa Premium.

Ito na ang ika- apat na magkakasunod na linggong pagtaas ng mga produktong petrolyo.