Presyo ng Diesel sa Camarines Norte nasa P73. 70 hanggang P78. 69 kada litro, gasoline P74. 75 hanggang P76. 74

CAMARINES NORTE- Naglalaro ngayon sa P73. 70 hanggang P78. 69 ang kada litro ng diesel habang P74.75 naman hanggang P76. 74 sa  kada litro ng gasolina sa mga pangunahing gasolinahan sa Daet, Camarines Norte.

Kasunod yan ng panibago na namang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo epektibo simula nitong Martes, April 19, 2022.

Sa Shell Mancruz nasa P74. 69 ang kada litro ng Fuel  Save diesel, P78. 69 sa V power diesel, P75. 74 sa Fuel save gasoline at P76. 74 sa V- power gasoline.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa Caltex P73. 70 sa kada litro ng diesel, P74. 75 sa kada litro ng Silver gasoline at P75. 25 sa Platinum.

Ganito rin ang presyuhan sa katabi nitong Seaoil gasoline station para naman sa kanilang Exceed Diesel, Extreme U at Extreme 95.

Pareho rin ang presyuhan sa Ptt gasoline station para naman sa kanilang BlueDiesel, Blue Gasoline 93+ at Blue Gasoline 95+.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa Petron Pandan, ay P73. 70 ang kada litro ng diesel,  P74. 75 sa Xtra advance at P75. 25 sa XCS habang sa Turbo diesel ay P75. 70 ang kada litro.

Ganito rin ang presyuhan sa katapat na Phoenix petroleum para sa kanilang diesel, Super unleaded at Premium.

Dahil sa panibagong pagtaas ng mga produktong petrolyo ay dagdag pasanin na naman ito sa mga driver ng pampublikong sasakyan dahil muli na naman anilang mababawasan ng kanilang kita.