P10m financial grant mula sa DA, iginawad sa mga kwalipikadong benepisyaryo

Ibinigay ng Department of Agriculture Central Luzon sa mga kwalipikadong grupo ng mga magsasaka o kooperatiba at Local Government Units ang sampung milyong piso kapital mula sa programang Enhanced KADIWA nitong araw ng Martes.

Layunin ng programa na pahusayin ang mga kapasidad ng mga organisasyon ng mga magsasaka at mangingisda para maging supplier ng mga kalakal ng pagkain at patuloy na magpatakbo ng mga retail na tindahan ng KADIWA.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon kay DA Undersecretary for Consumer and Political Affairs Kristine Evangelista, hangad nito na magpatuloy ang programang Enhanced Kadiwa hanggang sa mga susunod na administrasyon dahil napakalaki ang nagiging tulong nito sa mga magsasaka.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ang mga nakatanggap ay kinabibilangan ng LGU Casiguran na mayroong 5Million, Samahang Ugnayan ng mga Kababaihang mag-iisda ng Paltik na may 500K, LGU Pantabangan na tumanggap ng 2.5M, Kapampangan Development Foundation, Inc. at Pansinao Parents Agricultural Association na parehong nakatanggap ng isang milyong piso.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: DA Central Luzon

May be an image of 2 people and text that says 'Calculating Sales Online Meetings Set Appointments Respond to all emails MAXAN ngo tee Xanthone'