Pribadong eskwelahan kasama sa suspensyon ng klase mula Mayo 2 hanggang 13 –DepEd

CAMARINES NORTE- Nilinaw ng Department of Education na hindi lang sa mga pampublikong eskwelahan suspendido ang klase mula Mayo 2 hanggang 13 upang bigyang daan mga aktibidad na may kaugnayan sa Halalan 2022.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo na kasama rin sa suspensyon ng klase ang mga pribadong eskwelahan batay sa DepEd Order No 29- series of 2021.

Paliwanag ni Guemo na bago pa man ipinalabas ang school calendar para sa academic year 2021- 2022 ay anticipated na ng Deped ang darating na halalan kaya 14 days lang ang number of school days para sa buwan ng Mayo.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

May mga pagkakataon din na kapag kinukulang ng mga pampublikong guro para magsilbi sa eleksyon ay kumukuha rin naman sa private schools.

 “Bago ito pinalabas na school calendar, anticipated na po na magkakaroon ng election kaya nakalagay na po ito sa Deped Order No 29 series of 2021 na which was release prior to the start of classes,” ani Guemo.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Layon umano ng suspensyon ng klase na ilaan ang mga nasabing araw para sa National Election-related activities ng mga guro at kawani ng DepEd.

Gayunman sinabi ni Guemo na kailangan pa ring mag- report sa kanilang paaralan ang mga guro na walang election-related duties.

Wala ring gagawing make- up classes para sa mga araw na suspendido ang klase dahil nakapaloob na umano ito sa school calendar