CAMARINES NORTE- Nananatiling mataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa lalawigan ng Camarines Norte sa kabila ng halos dalawang pisong rollback sa diesel at mahigit dalawang piso sa gasolina nitong Martes, Setyembre 6.
Naglalaro sa mahigit P81 hanggang halos P88 ang presyo ng kada litro ng diesel at mahigit P74 hanggang P78 naman ang kada litro ng gasolina sa mga pangunahing gasolinahan sa Daet at karatig bayan.
Sa Shell Mancruz nasa P82. 60 ang kada litro ng kanilang fuel save diesel, P87. 59 sa V power diesel, P76. 25 sa Fuel save gasoline at P78. 24 sa V power gasoline.
Sa Seaoil nasa P81. 60 sa kada litro ng exceed diesel, P74 sa Extreme U at P74. 50 sa extreme 95.
Ganito rin ang presyuhan sa Ptt gasoline station para sa kanilang BlueDiesel, Blue Gasoline 93+ at Blue Gasoline 95+.
Sa Petron Pandan nasa P82. 80 ang presyo sa kada litro ng diesel, P76. 25 sa xtra advance, P77. 25 sa XCS at P84. 60 sa turbo diesel.
Sa katapat nitong Phonenix P82. 60 sa diesel, P76. 25 sa super unleaded at P76. 75 sa premium.
Sa Petro Gazz sa bayan ng Basud, P81. 40 ang kada litro ng kanilang Gdzl power, P74 ang GPrime 91 at P74. 50 sa GPremium.
Umaaray naman ngayon lalo na ang sector ng tricycle sa bayan ng Daet makaraang ipatupad simula kahapon ang sunset clause ng Municipal Ordinance N 373- 2020.
Ibinalik kasi ang minimum na pamasahe sa tricycle noong pre- pandemic na P10 sa unang dalawang kilometro at dagdag na piso sa bawat karagdagang kilometo makaraang isailalim sa Alert Level 1 ang Daet o pinapayagan na ang full capacity.
