PNP Forensic Group, nakumpleto na ang proseso ng autopsy sa estudyante na nasawi dahil sa pananampal umano ng kanyang guro

Nakumpleto na ng PNP Forensic Group ang proseso ng autopsy sa grade 5 student na si Francis Jay Gumikib na nasawi matapos sampalin umano ng kanyang guro sa Antipolo, City.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Ayon kay PNP Forensic Group spokesperson, PMaj. Sotero Rodrigo, inabot ng mahigit dalawang oras bago natapos ang autopsy at posibleng abutin ng pitong araw ang resulta nito.

Kailangan pa raw kasing pag-aralan ito ng mabuti ng mga doktor.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Nabatid na magiging batayan ng Antipolo City Police ang resulta ng autopsy para sa reklamo na isasampa laban sa guro.