Presyo ng bigas – bababa sa 2025

Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na bababa na ang presyo ng bigas sa susunod na taon, kasunod ng pagtatapyas sa taripa ng mga imported rice.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., dahil ang demand sa pagkain ay kadalasang tumataas tuwing December, umaas asilang makikita ang ‘substancial drop’ sa presyo ng bigas pagsapit ng January.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Dagdag pa nito, maaari nang maramdaman ng mga konsyumer ang pagbabasa presyo ng bigas sa Oktubre, pero sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa na namo-monitor na nila ngayon pa lang ang mababang presyo ng bigas.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Mababatid na una nang sinabi ng mga economic managers na nasa P5 hanggang P7 kada-kilo ang ibaba sa mga retail prices ng bigas kasunod ng pagtatapyas ng taripa.

Samantala, tiniyak naman ni Laurel ang pagmo-monitor sa kalagayan ng mga magsasaka sa gitna ng nalalapit na wet harvest season.