Iniimbestigahan na rin ng Philippine National Police kung may active at retired police na kabilang sa mga miyembro ng “Angels of Death” ni Apollo Quiboloy.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, patuloy na isinasailalim sa validation ang mga hawak nilang pangalan kabilang ang background at profile ng mga ito.
Pagtitiyak ni Fajardo , hindi magiging limitado sa mga sibilyan ang imbestigasyon at sinumang mapapatunayang sangkot, ay tiyak na mananagot sa batas.
Samantala, nakipag-ugnayan na rin aniya si Police Regional Office XI Regional Director BGen. Nicolas Torre III sa Firearms and Explosives Office para malaman kung may mga baril na nakapangalan sa hawak nilang mga pangalan.