Mangingisdang halos walong oras na nagpalutang-lutang sa karagatang sakop ng Manila Bay, nasagip

Isang mangingida na halos walong oras na nagpalutang-lutang sa karagatang sakop ng Manila Bay ang nasagip ng mga tauhan ng PNP Maritime Group.

Kinilala ang nasagip na si Alsadmaha Mahad, 25 taong gulang, mula Zamboanga City.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Napag-alaman na nahulog ito sa dagat mula sa kanilang fishing boat.

Papunta silang Navotas upang i-deliver ang kanilang huling isda nang aksidente siyang mahulog sa dagat.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Hindi napansin ng kanyang mga kasamahan ang pangyayari at matagal na nagpalutang-lutang sa dagat bago mamataan ng patrol vessel ng Maritime Group.

Naisailalim na sa medical evaluation ang mangingisda at inaasikaso an rin ang kanyang pag-uwi sa Zamboanga City.