Iba pang mga bubuo sa Gabinete ni president-elect Bongbong Marcos, pinagalanan na

Pinangalanan na ni president-elect Bongbong Marcos ang iba pang mga personalidad na kukumpleto sa kanyang Gabinete.

Sa pulong balitaan ngayong umaga, kinumpirma ni Marcos na tinanggap na ni dating University of the Philippines president Fred Pascual ang alok na maging kalihim ng Department of Trade and Industry.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Si Pascual ay isang finance expert at international development banker.

Inalok naman na magiging susunod na Department of Public Works and Highways secretary si SMC Tollways president at chief executive officer Manny Bonoan.

Sinabi pa ni Marcos ang kagustuhan nitong ibigay ang pagiging kalihim ng Department of Finance kay BSP Governor Ben Diokno.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Si Felipe Medalla naman ang hahalili sa babakantehing puwesto ni Diokno sa ating central bank.

Inalok din ni Marcos si dating Cong. Anton Lagdameo para maging Special Asisstant to the President.
#