Tatlong mga diplomats ang humarap kay President-elect Bongbong Marcos ngayong araw.
Ito na ang ika-apat na batch ng mga envoy na nag-courtesy call sa incoming president.
Kabilang sa mga humarap kay Marcos ay sina Ambassador Jorge Moragas ng Spain, Ambassador Anke Reiffenstuel ng Germany, at Ambassador Mohammed Rida El Fassi ng Morocco.
Sa pagharap ng German Ambassador sa media, sinabi nitong ilan sa mga tinalay nila ni Marcos ay ang mga hakbang para sa pagpapahalaga sa karapatang pantao.
Nagkasundo aniya sina Reiffenstuel at Marcos na siguruhing mare-respeto ang ‘rule of law’ at mapro-protektahan ang human rights.
Tinalakay din nila ang mga hakbang sa global food security na higit umanong naapektuhan ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Pinag-usapan din ang pagkakaroon ng renewable energy projects partikular ang ipinangako ni Marcos noong kampanya na pababain ang power rates sa Pilipinas.
#