Stephen Loman, kumpyansa na matatalo si Bibiano Fernandes sa MMA fight

Kumpyansa si Stephen “The Sniper” Loman na matatalo niya ang mixed martial arts (MMA) fighter na si Bibiano Fernandes.

Nanalo si Loman laban kay Yusup Saadulaev at Shoko Sato sa ONE X noong Marso ngayong taon.

Wala namang talo si Fernandes sa nakaraang unang 13 fights nito sa ONE Championship.

Samantala, sinabi ni Loman na 100% ready na siya sa kanilang posibleng laban at pursegidong maiuwi ang titulo. (ARGIE ERGINA)