President-elect BBM, muling nakipagpulong sa mga diplomats

Muling nakipagpulong si President-elect Bongbong Marcos sa ilang mga diplomats ngayong umaga.

Idinaos ang courtesy call sa BBM headquarters sa Mandaluyong kasama si Brunei Ambassador Johairah Wahab na siya ring magre-representa ng ASEAN; at si Italian Ambassador Marcos Clemente.

Read More:  Missing PNP-CIDG documents delay Padilla counter-affidavit

Matapos ang pulong ay isinagawa ang isang press briefing sa pangunguna ni incoming press secretary Trixie Cruz Angeles.

Samantala, nakatakda ring bumisita sa Pilipinas si United States Deputy Secretary of State Wendy Sherman.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Ito ay bilang bahagi ng pagbisita ni Sherman sa Pinas kasama ang South Korea, Vietnam at Laos mula June 5 hanggang 14.

Umaasa namang magtatagpo rin si Sherman at si Marcos para talakayin ang ilang mga programa para sa pagpapatibay ng relasyon ng Amerika at ng Pilipinas.
#