Kinumpirma ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na 13 lang ang reclamation projects sa Manila Bay, kasunod ng pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na 22 ang nagsasagawa ng proyekto rito.
Ayon kay PRA Assistant General Manager Joseph John Literal, ang tinutukoy na 22 ng ahensya ay mga aprubaduong proyekto sa buong bansa.
Dagdag pa nito, dapat pareho ang bilang ng PRA sa DENR dahil sila ay nakabase sa aprubadong ECCs (Environmental Compliance Certificates) at area clearances.
Kung maalala, ang 13 reclamation projects sa Manila Bay ay inapruba ngunit kasalukuyang tatlo lamang ang nagsasagawa ng operasyon.
