China, muling iginiit na hindi tumupad ang Ph sa kasunduan

Muling iginiit ng embahada ng Tsina na ang Ayungin Shoal o Ren’ai Reef ay bahagi ng Nansha Islands ng kanilang bansa, isa sa mga teritoryong ibinalik sa China ng Japan pagkatapos ng World War 2.

Ayon kay Deputy Chief of Mission in the Philippines Zhou Zhiyong, ito ang rason kung bakit nangyari ang pangbobomba ng  China Coast Guard, Chinese navy at militia vessels sa dalawang maliit na Philippine resupply chartered boats at dalawang Philippine Coast Guard vessels.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Dagdag pa nito, nakapaloob ito sa parehong deklarasyon ng Potsdam at Cairo na nagsasabing lahat ng teritoryong inagaw ng Japan mula sa kanila, kabilang ang mga nasa Nansha Islands at Xisha Islands, ay ibabalik sa China.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Muli ring sinabi ni Zhou ang pangako ng gobyerno ng Pilipinas na aalisin raw ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal, sa kabila ng pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na wala siyang alam sa anumang pangako at kung mayroon man, binabawi niya ito.