Post- election appointment pinapayagan na pero may mga kondisyon- CSC

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Civil Service Commission na pinapahintulutan na ang post- election appointment pero mayroon pa ring mga kondisyon.

Ito ang inisa- isa ni CSC Acting Director II Atty. Alicia Salinas sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.

Ayon kay Salinas, tapos na ang election ban on appointment kaya maaari nang  magtalaga ang appointing authority basta’t masunod lang ang mga kondisyon.

Kung ang appointing authority tulad ng Mayor ay magtatapos na ang termino o pababa na sa pwesto dahil natalo sa eleksyon, pwede itong mag appoint sa mga sumusunod na kondisyon;

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Una, dapat  na- meet ng appointee ang lahat ng requirements para sa posisyon tulad ng edukasyon, karanasan, training at eligibility requirements.

Pangalawa at ang pinaka importante ay dapat sumailalim na sa selection process ang appointee bago ang election ban.

Ibig sabihin dapat nai -publish na ang posisyon kung saan ito itatalaga at dumaan na sa deliberasyon ng human resource, merit selection and promotion bago ang election ban.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kung hindi ito nagawa ay wala dapat appointment na mangyayari.

Sabi ni Salinas madalas na dito nagkakamali ang mga Local Government Unit sa pag- appoint.

Ang pangatlo ay dapat umanong ma- justify ng LGU na ang appointment ay urgent o lubhang kailangan.

At ang pang- apat ay lahat dapat ng rules tungkol sa issuance ng appointment tulad ng civil service law, rules and regulations, pati mga special laws ay kinakailangang ma- comply.

Kapag Department head ang itatalaga ay kailangan ang concurrence ng Sanggunian.