Pag ulan tuwing hapon at gabi madalas na ring maranasan sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Tatlong araw makaraang opisyal na ideklara ng PAGASA ang panahon ng tag ulan, madalas nang makaranas ng mahihina at kung minsan ay malakas na pag ulan ang lalawigan ng Camarines Norte.

Tulad na lamang kagabi at kaninang madaling araw  ay bumuhos ang malakas na ulan pero hindi naman gaanong nagtagal.

Noong mga nagdaang araw ay kadalasang tumatagal lang ng isa hanggang dalawang oras ang mga pag ulan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ideneklara ng state weather bureau ang panahon ng tag ulan noong Miyerkules makaraang makamit na ang criteria para sa pormal na pagsisimula ng panahong ito sa bansa partikular sa western sections ng Luzon at Visayas.

Asahan pa rin naman daw ang pagkakaroon ng monsoon breaks na tatagal ng ilang araw o ilang linggo.

Malaking tulong naman ang mga nararanasang pag ulan dahil nooong mga nagdaang taon ay nakaranas ng krisis sa tubig.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa pagpasok naman ng panahong ito ay nariyan  ang mga nagbabantang sakit tulad ng posibilidad na pagtaas ng kaso ng dengue.

Kaya naman may ilang mga barangay na sa lalawigan ang nagpatawag ng pagpupulong upang paalalahanan ang mga tao sa pag iwas sa dengue.

Pero kahit napapadalas na ang mga nararanasang pag ulan, kadalasang nag uumpisa talaga ang panahon ng tag ulan sa lalawigan pagpasok ng Oktubre.