Positivity rate ng COVID sa NCR, bumaba sa 2% mula Nov 11-17 -OCTA

Sa kauna-unahang pagkakataon ay bumaba sa 2 porsyento ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) kung saan naitala mula November 11 hanggang November 17, 2021.

Ito na raw ang pinakamababang positivity rate sa NCR simula nang umpisahan ang covid-19 testing.

Read More:  ICC seeks additional protection for 55 witnesses in Duterte trial

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, ang growth rate sa Metro Manila ay nasa negative 17 na lamang.

Ang seven-day average naman sa covid-19 cases ay bumaba mula 421 sa 349 habang ang reproduction number o bilis ng hawaan ay nasa 0.49 na lamang.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Dahil dito, nananatiling low risk ang NCR sa covid-19 habang limang LGU’s naman ang nasa very low risk.

Kabilang dito ang Navotas, Caloocan, Pateros, Marikina at Valenzuela. //MHEL PACIA-TRINIDAD