PH, malapit nang tumanggap ng int’l tourists – DOT

Malapit na umanong tumanggap ang Pilipinas ng international tourists.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) chief Bernadette Romulo-Puyat, inaprubahan na “in principle” ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagpasok ng fully vaccinated tourists mula sa Green List countries/territories/jurisdictions.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sinabi ni Puyat na ang pagpapahintulot sa mga turista mula sa green countries, na mayorya ng kanilang populasyon ay bakunado at may mababang infection rate, ay labis na makakatulong sa recovery efforts, pagtataas sa tourist arrivals at receipts, at iba pa.

Ang naturang hakbang rin ay makakatulong na mapalakas ang consumer confidence, na malaking contributor sa gross domestic product o GDP growth.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Inihayag ng DOT chief na ang mga Asean neighbors gaya ng Thailand, Vietnam, at Cambodia ay pareho rin ang ginawa, kaya naniniwala silang panahon na para sa Pilipinas na muling buksan ang borders para sa inbound tourism, bilang paraan tungo sa full recovery. //MHEL PACIA-TRINIDAD