Posibleng pagpasok ng monkeypox sa Pilipinas, pinaghahandaan na ng gobyerno at health experts

Hindi iniaalis ng ilang health experts ang posibilidad na makapasok din ng bansa ang nakahahawang ‘monkeypox’.

Ayon kay infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante, hindi malabong magkaroon din nito sa Pilipinas.

Dahil dito, iminungkahi niya na mahigpit na bantayan ang mga papunta ng Pilipinas na magmumula sa mga bansang mayroon nang naitalak monkeypox outbreak.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Bago ito, una nang ipinag-utos ni Health Secretary Francisco Duque sa Bureau of Quarantine na magkaroon ng mahigpit na screening sa mga inbound passengers sa Pilipinas.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Mababatid na nagpatawag na ng emergency meeting ang World Health Organization matapos maitala ang outbreak ng monkeypox sa ilang rehyon.

Sa ngayon, nakapagtala na nag WHO ng 92 kumpirmadong kaso ng monkeypox sa 12 mga bansa.
#