Naniniwala si infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante na hindi pa napapanahon para magpatupad ng border restriction para sa mga bansang mayroong kumprimadong kaso ng dalawang bagong subvariants ng Omicron na BA.5 at BA.5.
Sa #LagingHanda public briefing, sinabi ni Solante na masiyado pang maaga kung maghihigpit ang Pilipinas sa mga entry at exit points nito.

Sa katunayan, kahit ang ilang mga bansa nga raw na bahagya nang tumaaas ang kaso ng BA.4 at BA.5 variants, hiindi pa rin ito nagpapatupad ng border restrictions.
Sa kabila nito, muling pinaalalahanan ni Dr. Solante ang publiko na patuloy pa ring sumunod sa mga health standards at magpabakuna na ang mga hindi pa rin nababakunahan.
Mababatid na inilarawan ng European CDC ang BA.4 subvariant bilang ‘variant of concern’ dahil sa bilis makahawa nito.
Bababala ni Solante, maaari pa ring ma-infect ang isang indibidwal lalo na kung matagal na itong nabakunahan.
#