COMELEC: Brgy, SK polls preps – tuloy!

Sa kabila ng pinaplanong muling pagpapaliban ng barangay at SK elections – tuloy pa rin ang isinasagawang paghahanda ng Commission on Elections para rito.

Pinabulaanan ni COMELEC Commissioner George Garcia ang mga balita na nagamit na raw ng poll body ang lahat ng pondo na para sana sa nakatakdang barangay and SK elections sa Disyembre.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Sa pulong balitaan, pinasinungalingan ito ni Garcia dahil sa katunayan ay wala pa nga silang natatanggap na budget mula sa gobyerno.

Read More:  Sara Duterte’s lead over Robredo narrows to 7 points – OCTA

Dahil dito, nananatili pa rin aniyang in tact ang budget mula sa DBM sakali mang ituloy ang local elections bago matapos ang taon.

Kaugnay nito, inanunsyo rin ni Garcia na sa Hunyo o sa Hulyo ay maguumpisa nang muli ang voters’ registration.

#