Posibleng pag-atake sa BRP-Sierra Madre minaliit lang ng AFP

Nanindigan si Armed Forces of the Philippines Chief Lt. Gen. Andres Centino na mananatili ang ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Centino wala silang planong galawin ang naturang barko na nagsisilbing government post sa West Philippine Sea simula pa noong 1999.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Paliwanag ng military chief patuloy ang barko sa pagmomonitor ng mga galaw sa naturang teritoryo na sakop ng exclusiive economic zone ng bansa.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Manaliit naman ni Centino ang mga hakahakang posibleng atakehin ng mga banyaga ang naturang barko.

Nabatid na hiniling ng China sa Pilipinas na tanggalin na ang naturang barko dahil ‘trespassing’ na ito sa teritoryo ng mga Intsik.