Ilang raliyesta sa Myanmar sugatan matapos araruhin ng Military truck

Sugatan ang hindi pa matiyak na bilang ng mga protesters makaraang rumagasa sa kanila ang isang military truck sa Yangon City sa Myanmar.

Ayon sa mga testigo, matapos rumagasa ang truck ay pinaputukan pa ng mga sundalo ang mga nagpoprotesta habang pinaghahampas at sinaktan ang ibang inabutang prostesters.

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Kinumpirma naman ng militar na nasa 11 tao ang inaresto nila sa latest protest habang sinasabi nilang 3 lamang ang sugatan at isa ang nasa kritikal na kondisyon.

Hindi din nito kinumpirma ang pagragasa ng kanilang truck sa mga protesters pero kinumpirma nilang binuwag nila ang isang protesta.

Samantala, inihayag naman ng MPA news agency na nangangamba silang dalawa sa kanilang reporters ang kasama sa mga inaresto kung saan isa sa kanila ang nasugatan habang ang isa ay hindi nila makontak.

Read More:  ‘Star Trek’ and ‘X-Men’ actor Patrick Stewart dies at 86

Napag-alaman na umabot na sa 1,200 na tao ang napatay habang libu-libong ang naaresto at nakulong kasunod sa serye ng mga protesta mula nang manaig ang military junta noong Pebrero.