Porter at Security Guard sa NAIA, kinilala ng MIAA dahil sa katapatang ipinakita

Ikinatuwa ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Ines ang katapatang ipinakita ng isang porter at security guard sa NAIA.

Kinilala ni Ines ang porter na si Victor Perez matapos niyang ibalik ang $10,000 na nakita niya sa NAIA Terminal 1 arrival.

Napulot ni Perez ang nakabundle na dolyar habang nangongolekta ng mga pushcarts at agad dinala sa lost and found office ng paliparan dahil alam niyang hahanapin ng may-ari ang pera.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Nang bilangin na umabot sa 100 pieces na 100 dollar bills na katumbas ng P565,735 batay sa exchange rate ngayon.

Na-claim naman ng isang Korean National ang pera at napatunayang siya nga ang may-ari batay sa CCTV.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Ang guwardiya naman ay kinilalang si Albert Bautista na nagturn-over ng bag sa Bay 7 habang nagpapatrolya.

Laman ng bag – laptop, smartphone, at isang gold necklace na na-claim na ng may-ari kahapon.

Sinabi ni Ines na dapat tularan ang dalawa sa lahat ng nagtatrabaho sa NAIA na nahaharap sa tukso sa gitna ng pahgtatrabaho.

Bibigyan ng commendation ang dalawa sa gitna ng flag raising sa Mayo.