PMGEN Reyes – itinangging kamag-anak ang motoristang dumaan sa EDSA busway

Mariing kinondena ni Police Major General Mario Reyes ang paggamit sa kanyang pangalan ng bababeng motoristang nahuli kamakailan sa EDSA busway.

Paglilinaw ni Reyes – hindi niya kamag-anak, at ni hindi nito kilala ang naturang babae.

Dagdag pa nito, hindi katanggap tanggap ang anumang tangkang pagggamit sa pangalan at reputasyon ng isang taga-pagpapatupad ng batas para makaiwas sa pananagutan.

Hinimok ni Reyes ang mga otoridad na maglabas ng show-cause order at patuloy na imbestigahan ang babae.

Nakikipag-usap na rin aniya siya sa kanyang mga abogado para magsampa ng kaukulang reklamo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *