Pope Francis suma-ilalim sa surgery – Vatican

Kinumpirma ni Vatican spokesman Matteo Bruni na sumailalim sa isang surgery si Pope Francis ilang oras lamang matapos pangunahan ang tradisyunal na Angelus prayer sa St. Peter’s Square nitong Linggo.

Sa isang statement sinabi ng Vatican na kina-ilangan ma-operahan ang 84-year old pontiff dahil sa “colon diverticulitis”.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Isasagawa ang operasyon ni professor Sergio Alfieri sa Gemelli hospital sa Rome.

Tiniyak din ng Vatican na agad maglalabas ng medical bulletin sa kalagayan ng Santo Papa pagkatapos ng operasyon.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Ang diverticulitis ay pamamaga na dulot ng ‘small sacs’ sa labas ng colon.

Ayon sa US National Institutes of Health ang naturang sakit ay common condition na nakaka-apekto sa mahigit kalahati ng mga adults sa Amerika lalo na kapag nagkaka-edad na.