Mga biyahero papasok ng Catanduanes, obligado nang mag presenta ng negatibong RT-PCR test simula ngayong araw; Antigen, Saliva at Rapid test, hindi na kikilanin sa border

Catanduanes, Bicol—Simula ngayong araw ng Lunes, Hulyo 5, 2021 ay negatibong resulta na ng RT-PCR o swab test ang kailangang i-presenta ng lahat ng mga indibidwal na papasok sa islang lalawigan ng Catanduanes.

Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 024-B o ang pinakahuling amendment sa E.O 24 na ibinaba ng gobernador ng lalawigan nitong nakaraang linggo.

Nangangahulugan na hindi na tatanggapin pa sa border ng probinsiya ang negatibong resulta ng iba pang COVID-19 tests gaya ng rapid, saliva at antigen test kundi tanging negative swab test result na lamang ang kikilanin ng mga border control personnel sa bawat biyahero.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Samantala, nananatiling hindi saklaw ng nasabing polisiya ang mga Authorized Persons Outside Residence o APOR na mula sa mga National Government Agencies.

Ipinaalala rin sa naturang amendment na tanging ang mga pasahero lamang mula sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ at MGCQ ang pinahihintulutang pumasok sa Catanduanes habang ang mga APOR at essential travelers lamang na mula sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ at MECQ ang pwedeng bumiyahe papasok ng isla.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Nananatiling required sa mga biyahero ang paggawa ng S-PaSS account upang mabigyan ng Travel Coordination Permit liban sa mga NGA-APOR.###