Nakaambang pagputok ng bulkan, Non-essential travels bawal muna papasok ng Batangas

Inaabisuhan na publiko na hindi pinapayagan ang non-essential travels papasok ng lalawigan ng Batangas, ito ay mahigpit at madiin na ipinag-uutos ng tanggapan ng Department of Interior and Local Government Region 4A.

Sa direktibang ibinaba ni DILG Region 4A Director Ariel Iglesia kung saan hindi maaring bumiyahe sa mga lugar sakop ng lalawigan ng Batangas ang hindi mahahalagang dahilan sa pagbyahe partikular sa mga itinuturing na high risk areas sa paligid ng bulkang Taal.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kaugnay nito ay kaliwa’t kanang checkpoints na ang nakalatag sa ibat ibang lugar sa lalawigan, isa na sa Tanauan City kung saa ln inatasan na ni Mayar Angeline Halili ang kapulisan at mga pamunuan ng bawat barangay na maglagay ng checkpoint sa mga daanan papasok at palabas ng lunsod.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Base sa anunsyo tanging mga essential travels lamang ang pinapayagan tulad ng pagbili ng pagkain, gamot at iba pa pangangailanga, pagkonsulta o check up sa doktor ang papayagang makapasok sa lunsod simula kahapon, July 4.

Mananatili ang direktiba hanggag hindi binabawi ng mga miyembro ng RDRRMC Calabarzon ang nabanggit na kautusan.