Popcom-Bicol, muling nagpaalala kasunod ng naobserbahang pagtaas ng teenage pregnancy rate sa rehiyon

BNFM BICOL – “Think before you unzip.”

Ito ang binigyang-diin ng Commission on Population Bicol kasunod ng naobserbahang pagtaas muli ng mga kaso ng maagang pagbubuntis ng mga kabataan o teenage pregnancy.

Ayon kay Josephine Chua, planning officer IV ng POPCOM-Bicol, dapat na iwasan ng mga kabataan ang pre-marital practice para maiwasan din ang maagang pagbubuntis.

Bagamat wala pa kasing bagong Young Adult Fertility and Sexuality Survey o YAFSS study ay patuloy naman umanong namo-monitor ang pagtaas ng teenage pregnancy rate sa rehiyon.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Gayunapaman, marami umano posibleng dahilan ng pagtaas ng ‘early unwanted pregnancy rate’ subalit ang tamang paggabay ng mga magulang o guardian pa rin umano ang pinaka epektibong paraan para i-adress ito.

Dapat umano isa alang-alang ng mga kabataan ang magiging resulta o “consequences” ng kanilaang gagawin at isipin na ang pagkakaroon ng anak o pagbuo ng pamilya ay isang mabigat at seryosong responsibilidad.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Naniniwala rin ang opisyal na walang tamang panahon sa pag-aasawa kundi ito umano ay nakadepende sa ‘maturity’ at kahandaan ng babae at lalaki na wastong gulang na hindi lamang sa aspetong pinansyal kundi maging emosyunal, pisikal at mental.

Payo nito sa mga kabataan, pag-aaral ang dapat na maging prayoridad sa ganitong yugto at hindi umano dapat magmadali dahil mayroonh tamang panahon para sa lahat ng bagay lalong higit sa pagkakaroon ng anak at pagpapamilya.