Inanunsyo ni Dutch Prime Minister Mark Rutte ang unang partial COVID lockdown sa winter kung saan tatagal ito ng tatlong linggo nang restrictions sa mga shops, sports at catering.
Ipinaliwanag ni Rutte na ito ay bilang tugon sa pagtaas ng infections at intensive care cases.
Nakatakdang magsimula ang 3-week partial lockdown ngayong Sabado ng gabi (Netherlands time) kung saan mayroong itinakdang oras lang para sa mga non-essential shops, ganundin sa mga supertmarkets, cafes, restaurant at hotels.
Matatandaan na karamihan ngayon sa Europa ay nakakaranas ng surge sa mga kaso na isinisisi sa mababang vaccine take-up sa ilang mga bansa.
Una nang nagpahayag ng lockdown sa mga unvaccinated individuals ang Austria dahil sa pagdami muli ng kaso. Nag-reinstate naman ng COVID pass ang Denmark para sa pagtaas ng kaso sa mga nakalipas na linggo.