Kakulangan ng gamot sa Ethiopia ikinabahala ng WHO

Nagbabala ang World Health Organization na marami ang mamatay na Tigrayans sa Ethiopia dahil sa kakulangan ng gamot.

Sinabi ni WHO Chied Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus na isa ding Tigrayan, hinaharang kasi ang pagpasok ng mga tulong at supplies sa nasabing rehiyon.

Ayon kay Gebreyesus, mamamatay ang mga tao dahil sa kawalan ng gamot habang marami ang nagugutom dahil hindi din pinapayagang makapasok ang mga pagkain.

Kinumpirma din ni Gebreyesus na wala na ding phone lines at walang fuel at cash sa rehiyon na lalong nagpapahirap sa lugar na isang taon nang nasa civil war.

Mariin namang itinanggi ng Ethiopian government na hinaharap nito ang mga tulong papasok sa rehiyon.