Komite ni Hontiveros – may ideya na umano sa possibleng totoong POGO boss

Binanggit ni Senadora Risa Hontiveros sa naging press conference ngayong araw na kinukumpleto na lang nila ang kanilang imbestigasyon hinggil sa illegal na Philippine Offshore Gaming Operator.

Ito ay upang masabi na umano nila kung masasama na sa committee report ang hinihinalang totoong POGO boss.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Anya, nabanggit na ng kanilang komite ang pangalan nito noong mga nakaraang buwan at ilang beses na ring nasama ang pangalan nito sa mga dating imbestigasyon ng Senado.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Samantala, positibo ang senadora na mas mabubuo na ang kwento hinggil sa naging POGO operation sa tulong ng pagkaaresto sa di umano’y POGO godfather na si Lyu Dong o mas kilala sa Boss Boga.