Police power, pwedeng gamitin para pilitin ang mga tao na magpabakuna – PRRD

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na maaring gamitin ng gobyerno ang police power ng estado upang gawing sapilitan ang pagpapabakuna kontra COVID-19.

Sa taped briefing ng Pangulo ay nagpahayag ito ng pagkadismaya dahil sa paulit-ulit na pakiusap ng gobyerno sa mga tao na sumailalim sa inokulasyon lalo na kung meron naman suplay para rito.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Sinabi niya na sa mga ordinaryong araw ay walang kapangyarihan ang gobyerno na pilitin ang anuman relihiyon, o simbahan na gawin ang isang bagay na labag sa paniniwala nito.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Gayunman, sinabi ng Pangulo na kung kinakailangan ay pwedeng magamit ang police power para gawing compulsary ang pagpapabakuna lalo na at maaring malagay ang bansa sa panganib.

Samantala, naiulat naman ng Pangulo sa parehong briefing na umabot na sa 20.3-million o 26% ng eligible population ng bansa ang kumpleto na sa pagpapabakuna kontra COVID-19.