Magkapatid na suspek sa pananaga at pananaksak sa bayan ng Sta Elena tinutugis ngayon ng mga otoridad

CAMARINES NORTE- Tinutugis ngayon ng mga otoridad ang dalawang magkapatid na suspek sa pananaga at pananaksak nitong Setyembre 26, 2021 dakong 11:45 ng gabi sa Purok 5, Barangay Sta. Elena (Poblacion), Santa Elena, Camarines Norte matapos na tumakas sa salang kanilang ginawa.

Ang mga suspek ay sina alyas “DING”, at alyas “DONG” at pawang residente ng  Sitio Cambulong, Barangay Basiad, Santa Elena, Camarines Norte

Samantala ang biktima ay si alyas “RON”, 47 anyos at residente Purok 4, Barangay Sta. Elena (Poblacion), Santa Elena, Camarines Norte.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon sa imbestigasyong isinagawa ng Sta Elena MPS, habang ang biktima ay nagmamaneho ng kanyang motorsiklo mula sa kanyang bahay patungong Centro Poblacion, Sta Elena, Camarines Norte at pagdating nito sa madilim na bahagi ng pinangyarihan ng insidente, ang magkapatid na suspek na lulan ng kanilang motorsiklo ay bumaba at diumano’y pinagtulungang tagain at saksakin si RON ng ilang beses.

Si RON ay nagtamo ng sugat dulot ng pananaga at pananaksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na nagawa pang tumakbo papunta sa kanilang tirahan upang makahingi ng saklolo.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Dinala si RON ng kanyang kinakasama sa pinakamalapit na pagamutan upang malapatan ng pang unang lunas.

Samantala, ang magkapatid na suspek ay tumakas sa hindi pa matukoy na direksyon. Diumano,  selos ang naging ugat ng nasabing insidente.

Ang mga tauhan ng Sta Elena MPS ay kaagad na nagsagawa ng hot-pursuit operation para sa mabilisang pagkakadakip ng mga tumakas na suspek habang inihahanda naman ang mga dokumento para sa pagsampa ng kaso laban sa mga ito.