Panibagong bagyo na inaasahang papasok sa PAR, patuloy na humihina – PAGASA

Inaasahan na ng PAGASA ang pagpasok ng panibagong bagyo sa Philippine Area of Responsibility ngayong araw.

Sinabi ng PAGASA na magdudulot ito ng pulo-pulong pag-ulan lalo na sa eastern sections ng Southern Luzon at Visayas.

Read More:  DSWD Sec. Gatchalian denies wasted AICS funds despite COA findings

Sa huling advisory ng PAGASA ay sinabi nito na huling namataan ang bagyo na may international name na Mindulle sa layong 1,485 km East ng Extreme Northern Luzon.

Gayunman, sinabi ng PAGASA na patuloy itong humihina habang mabagal na kumikilos papunta sa hilaga-hilagang-kanlurang direksyon.

Read More:  Teodoro challenges China to name politicians allegedly linked to Beijing

Oras na makapasok sa PAR ay bibigyan ang bagyo ng local name na Lannie.

Hindi na inaasahan ng PAGASA na magkakaroon ng direktang epekto sa bansa ang nasabing bagyo.