Nagpulong kamakalawa sina Executive Secretary at Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC Chairman Lucas Bersamin at si Chinese Ambassador Huang Xilian.
Ayon sa PAOCC, layon ng naturang pulong na pag aralan ang mga paraan upang mapalakas ang partnership ng dalawang bansa laban sa mga transnational criminal activities.
Ipinaabot ni Huang Xilian ang pasasalamat ng China sa kamakailang operasyon ng PAOCC laban sa illegal POGO kung saan na-rescue ang ilang Chinese national.
Aktibo raw na nakikipag tulungan ang Embahada ng China at palaging bukas ang kanilang komunikasyon sa buong proseso ng imbestigasyon.
Pagpapakita lang daw ito ng determinasyon at dedikasyo ng parehong bansa na masawata ang mga transnational crimes.
Umaasa silang magsisilbi itong malinaw na mensahe sa mga criminal syndicate na hindi sila papayagang mamayagpag sa kanilang illegal na gawain.